Spoken Poetry | 01

5.8K 26 5
                                    

Ang Suwerte Ko Sa'yo
-lahingmusikero


Sabi nila,
Masarap daw sa pakiramdam na may taong andiyan palagi sa tabi mo.
Pinapahalagahan ka.
Nilalaanan ka ng oras at atensiyon.


Sa tuwing naririnig ko ang katagang ito,
Ikaw! Ikaw agad itong naaalala ko.
Ikaw agad itong pilit na pumapasok sa isipan ko.


Ikaw kasi itong klaseng tao na handang magsakripisyo kahit ano, kahit ano para sa taong mahal mo.
Para sa taong minamahal mo.
Para sa akin, dahil ako'y mahal mo.


Ang suwerte ko, dahil ako ay mahal mo.


Ang suwerte ko, dahil araw-araw nararamdaman ko ang presensiya mo.
Ang suwerte ko, kasi ako! Ako ang dahilan ng 'yong pagngiti.
Mga ngiti mong matatamis.
Ang suwerte ko, kasi araw-araw pinaparamdam mo sa akin na ako ay importante para sa iyo.


Pero...

Bakit ako? 
Bakit sa akin pa?
Bakit ako pa 'tong minahal mo?
Bakit ako pa?
Bakit ako pa na ayaw sa'yo?
Na walang gusto sa'yo?
Na hindi kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo?
Bakit ako pa?


Ang suwerte ko sa'yo pero hindi talaga puwede.
Sinabi ko sa'yo ang totoo.
Inamin ko sa'yo na ayoko sa'yo.


Salamat.
Salamat dahil naiintindihan mo ako.
Salamat dahil tinanggap mo.
Salamat dahil pinagpatuloy mo sa iba ang pagmamahal mo na sa akin mo na sinimulan.
Salamat dahil tanggap mo.
Tanggap mo na siya ang mahal ko, at hindi ikaw.


-End-

Please vote and support thank you.

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon