Maghihintay Ako
-lahingmusikeroNaaalala mo pa ba iyong mga panahong minamahal pa lamang kita?
Iyong mga panahong lahat ng gusto mo aking ginagawa.
Mapasaya ka lang at malaman mong andito lang ako lagi sa'yo, kahit pa tayo'y magkalayo.Naaalala mo pa ba iyong unang regalong binigay ko sa'yo?
Regalong pinaghirapan ko, pinag-ipunan ko mabili ko lang ang isang bagay na matagal mo ng gusto.'Di kita matiis eh.
Mahal kita eh.Load mo, sagot ko.
Snack mo, libre ko.
Lahat na talaga ibinigay ko na.
Wala na nga akong ibang maisip na puwede ko pang ibahagi sa'yo eh.Pero, huwag kang mag-alala.
Mag-iisip pa ako ng iba na tiyak iyong ikakasaya.
Pasensiya na kung ganito ako hah?
Parang tanga at patuloy umaasa.Umaasa ako na iyong isang bagay na hinihingi ko sa'yo, matanggap ko na.
Maramdaman ko na.
Isang bagay na bukod tangi sa'yo.
Isang bagay na alam kong alam mo na sasaya ako.
Isang bagay na espesyal sa'yo at iyon ay ang puso mo.
Iyong pagmamahal mo.Math problem ba ako?
Kaya nahihirapan ka na ako ay iyong sagutin?
O, 'di kaya'y pangit ba ako sa'yong paningin?
Kaya nahihirapan ka na ako ay iyong mahalin?Matagal na akong naghihintay.
Hanggang ngayon, ako'y naghihintay na puso mo 'yong ibibigay at pagmamahal mo, buo mong iaalay.Hindi ako nagmamadali.
Hindi kita pinipilit.
Pero, aasa ako na kapag dumating ang araw na 'yong hinihintay, ako ang 'yong mapili upang MAHALIN MO NG HABAM-BUHAY.-end-
Please do vote and support this. Thank you so much for reading.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero