Magpapahinga Pero 'Di Maghihiwalay
-lahingmusikeroDarating talaga tayo sa punto na mawawalan tayo ng gana.
Mapapagod.
Mahihirapan.
Malilito.
At magkakalabo.Pero, alam natin at ipinangako natin sa isa't-isa na walang magbabago.
Kahit ano man ang mangyari, tayo pa rin hanggang sa dulo.
Walang bibitaw kahit nahihirapan.
Walang susuko kahit nalilito.
Walang hihinto kahit napapagod.
Walang maghihiwalay kahit nagkakalabo.
Kasi solid tayo,
At ito'y itinaga natin sa bato.Lalaban tayo!
Lalaban tayo kasi ayaw natin masayang ang ating pagmamahalan.
Magpahinga lang muna tayo para sa susunod may sapat na tayong lakas para ipagpatuloy ang ating paglalakbay.Kung kailangan umiyak kasi nasaktan, iiyak mo lang kasi
normal lang 'yan.
Ilabas natin ang lahat ng sakit.
Isigaw natin ang ating mga hinanakit.
Para mawala na ng tuluyan ang sugat na nakaukit.Mas masarap kasing umibig kung may halong pait.
Mas masarap kasing umibig kung may halong sakit.
Mas masarap umibig kung may pinagdaanan na hirap pero sabay niyo itong nilabanan.
Sobrang sarap lang talaga sa pakiramdam.
Lalong-lalo na kung pagkatapos ng lahat, sabay tayong babangon para ipagpatuloy ang ating pagmamahalan hanggang sa katapusan.-end-
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero