Sana Tayo Na Lang
-lahingmusikeroMahirap.
Masakit.
Na para bang unti-unti akong dinudurog,
dahil hindi na ako kayang ipaglaban ng taong mahal ko.Pilit ko siyang sinusuyo,
maibalik ko lang ang mga panahon
na pareho kaming masaya.Pero, bakit siya,
wala ng pakialam sa nararamdaman ko?Bakit pakiramdam ko,
wala lang para sa kaniya ang lahat
ng mga masasayang alaala namin?Bakit pakiramdam ko,
wala na akong halaga sa kaniya?
Wala naman akong naiisip na dahilan
kung bakit siya nagkakaganito?Kung bakit ang lamig na niya?
Kung bakit bigla na lang siya nagbabago?
Sa puso ko,
umaasa pa rin ako na sana bumalik siya sa kung ano siya dati.Iyong dati na mahal na mahal pa namin ang isa't-isa.
Iyong dati na pakiramdam ko, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo.
Iyong dati na sa akin lang naka-focus ang titig niya.
Hindi ko alam kung paano ko 'to magagawa?
Kailan at saan ko 'to sisimulan?Nahihirapan pa ako kasi hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.
Umiiyak pa rin ako sa tuwing nakikita ko siyang walang pake sa akin.Hindi ko na nga alam kung ano ang mangyayari sa akin.
Mababaliw na siguro ako.Mabuti na lang nandito ka palagi sa tabi ko.
Nariyan ka, handang maging sandalan ko upang tulungan ako na mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.Handa kang gawin ang lahat,
maibalik mo lang ang dati kong sigla.Hindi man buo,
pero kahit papano nagagawa mo.Lahat ng tulong mo,
na-a-appreciate ko.
Kaya sobra ang pasasalamat ko sa'yo.Sana nga TAYO NA LANG.
Kaso, hindi puwede.
Kasi may MAHAL ka na ring iba at KAIBIGAN lang kita.
-end-
Thanks for reading...
Please do vote.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero