Kapatid Ko
-lahingmusikeroAway-bati,
Away-bati,
Araw-araw ganito na lang palagi.Magsusuntukan, kalauna'y ngingiti.
Hindi magpapansinan, kalauna'y kasabay na sa tawanan.Sa bahay, kayo ng kapatid mo, puno ng kalokohan.
Nag-uunahan sa paggising upang makarami ng tinapay na makakain.Pag-inutusan, dedma lang kaya parehong pinagalitan.
Parehong naiinis, kaya nauwi sa asaran.Ayaw makuntento, kaya pinaparinggan pati ang kapit-bahay.
Minsa'y gamit mo pagtitripan.
Ginagawa mo pinapakialaman.
Nagkapikunan kaya nauwi na naman sa rambolan.Siyempre, iiyak ka para magpapansin kina nanay at tatay.
Eh, kapatid mo naman gagawa ng dahilan 'di ka lang nila paniwalaan.Madrama ka kasi.
At dahil hindi ka tumitigil sa kakaiyak, tatay niyo nagalit.
Gamit ang sinturon, nilatigo kayo pareho.Nainis ka naman kasi nakita mo ang kapatid mong tumatago, sabay tawa nang hindi gumagawa ng ingay.
Unang tingin mo pa lang, alam mo na agad na iniinis ka.Siyempre, umuusok na ang ilong mo sa inis at tenga dahil sa galit,
kaya bilang ganti sa kapatid mo, 'di mo siya pinahiram ng gamit mo.Hanggang sa kalauna'y 'di mo na lang napapansin,
naaawa ka na lang sa kaniya, kaya wala ka na namang nagawa,
pinahiram mo na lang 'yong gamit na gusto niya.Hindi mo siya matiis eh.
Parang may giyera man palagi sa bahay niyo,
hindi niyo naman pinapabayaan ang isa't-isa.Tinutulungan ang isa kapag nakikita itong nahihirapan.
Kung sa loob ng bahay pinagtatawanan ka kung ikaw ay umiiyak,
iba na sa labas!Kung sa loob ng bahay masaya kang inaasar siya,
sa labas, ikaw naman ang naasar sa tuwing inaasar siya ng iba.Away-bati man,
isa lang ang pinatunayan niyo sa isa't-isa,
iyon ay ang ayaw niyong masira ang relasyon niyong dalawa,
kasi kapatid mo siya at kapatid ka rin niya.-end-
Please react and do vote. Thank you!
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero