Spoken Poetry | 25

578 4 0
                                    

Sana
-lahingmusikero

Sana'y saya na ang sumalubong sa umaga.
Wala ng sakit na sa puso ay nakaukit.
Sakit na dulot ng kahapon na para bang nilulunod at 'di na makaahon.

Sana'y tumigil na sa pag-agos ang luha sa mata.
Wala ng papatak, kasi sa pagpawi nito ay wala namang may balak.

Hirap na pero pilit paring lumalaban.
Kahit na parang wala ng may sumasama para damayan.

Sana'y mapatawad na kung may nagawa mang kasalanan.
Sana'y huwag na lang husgahan at pagpiyestahan.
Kasi pinipilit at ginagawa naman ang lahat para makabawi sa kung ano man ang nararapat.

Hiling na sana'y bukas may pagbabago.
May pagbabago para matigil na ang gulo na ang dulot ay sakit lang sa ulo.

Sana'y huwag hayaan na lumaki pa ito at marami pa ang madamay.
Tuldukan na ito, para bukas may ngiti na sa mga labi at saya sa mga puso.

-end-

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon