Spoken Poetry | 14

960 6 0
                                    

Patawad
-lahingmusikero

Patawad dahil natural mong kagandahan, unti-unti ng naglalaho dulot ng aming kasamaan.

Patawad dahil pinabayaan ka namin.
Hindi kami minulat ng sarili namin dahil binulag kami ng aming kasakiman.

Patawad sa lahat ng aming pasakit.
Huli na namin naunawaan ang masamang dulot nito, hindi lang sa'yo kundi pati na rin sa amin.

Patawad dahil sinira ka namin.
Hinubaran ka namin at binihisan ka ng iba na.

Patawad dahil pinapatay namin ang iba naming kapatid, kahit wala silang kalaban-laban.

Tunay nga kaming makasalanan.

Patawad dahil nakakalimutan ka na namin.
Nakakalimutan ka na namin na bigyan ng halaga, dahil mas naaakit at nabubulag kami sa kayamanan na panandalian lamang.

Patawad dahil ginagawa ka naming basurahan.
Ginagawa ka naming higit pa sa mabahong kanal.

Patawad dahil wala kami kuwentang anak.
Wala kaming ginawa kundi ang pahirapan ka.
Ang lasunin ka.
Ang patayin ka.

Sana mapatawad mo kami.

Sana hindi ka agad bumigay.

Sana bigyan mo pa kami ng kaunting panahon, para itama ang aming mga pagkakamali.

Sana makayanan mo pang tiisin ang lahat.
Alam na namin na nahihirapan at nanghihingalo ka na ngayon.
Pero, hindi pa sana huli ang lahat.

Sana hayaan mo muna kaming ibalik ka sa dati.
Alam naming matatagalan kasi sobra na ang sakit at sugat.

Sana huwag kang sumuko.

Patawad at sana pagbigyan mo pa sana kami.

-end-


Author's note:

Itong tula na 'to ay para sa inang kalikasan natin at para na rin sa ating lahat.

♥️

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon