Wala na Tayo
-lahingmusikeroWala na tayo!
Alam ko 'yan!Hindi ako nagmamaang-maangan kasi sinabi mo 'yan sa akin ng harap-harapan.
Tumagos nga hanggang sa kaibuturan kaya hanggang ngayon ako pa rin ay nasasaktan.Wala na tayo, pero hanggang ngayon
hindi ko pa rin matanggap.Kasi tila kalahati ng mga pangarap ko, bigla nalang naglaho noong ako'y iniwan mo.
Kalahati ng buhay ko tila nawalan na ng saysay,
Lalo na't sa akin ikaw ang parating gumagabay.Wala na tayo, pero
alam mo ba na gusto pa rin kitang mayakap?
Alam mo ba na gusto ko pa rin marinig ang boses mo lalo na't bago ako matulog?Kasi alam ko na ikaw ang bumubuo ng araw ko.
Wala na tayo, pero nasasaktan pa rin ako sa tuwing ikaw ay nakikita kong nahihirapan.
Gusto nga kitang tulungan pero hindi ko magawa kasi alam kong wala na akong karapatan.Ayoko lang din magmukhang ewan.
Kaya kahit masakit, pinipilit ko na lang na ikaw ay aking iwasan.Alam mo ba na itong pagmamahal ko sa'yo, hindi pa rin nagbabago?
Wala na tayo, pero ikaw pa rin ang mahal ko.
Mahal pa rin kita kahit na ikaw ay may bago.Kung maibabalik ko lang talaga ang panahon,
Nabigyan pa sana kita ng higit pa na atensiyon.
At baka sakaling hanggang mayroon pang tayo.-end-
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero