Spoken Poetry | 24

674 2 0
                                    

Sugal
-lahingmusikero

Pag-ibig!
Pitong letra pero ang hirap kumawala.

Kahit anong pag-iwas ko wala akong takas.
Wala akong takas na itago ang nararamdaman ko para sa'yo dahil ito'y kusang lumalabas.

Nakakainis lang kasi wala naman akong lakas na sabihin sa'yo ang pag-ibig kong wagas,
Kasi hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ng puso mo kung ano ba talaga ako para sa iyo.
Hindi ko alam kung ako rin ba ay iyong gusto.

Takot man.
Hindi man sigurado, pinilit ko pa rin ang sarili ko na sabihin sa'yo ang totoo.
Pinilit ko ang sarili ko na lapitan ka upang masabi sa iyo ang katagang 'Mahal Kita'.

Para akong nagsusugal.
Kahit hindi sigurado, pupusta pa rin ako alang-alang sa nararamdaman ko.
Ayoko naman hayaan lang ito at ipagpaliban na lang kasi ako lang din ang mahihirapan at masasaktan.

Matapos kong masabi sa'yo na mahal kita, tinitigan mo ako sa aking mga mata.
Wala akong alam kung ano ang tumatakbo sa isipan mo, pero hinanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang mangyayari.
Unang salita na lumabas sa iyong bibig ay tila alam ko na ang sasabihin mo.
"Salamat". Iyan ang unang salita na sinabi mo sa harap ko.
Pero, sinundan mo agad ito at sabi mo "Kaibigan lang ang turing ko sa'yo at hanggang doon lang tayo."

Tama nga ako na 'yon nga ang sasabihin mo.
Sabay ang pagtalikod mo ay pagbagsak ng luha ko.

Masakit pero tinanggap ko.
Kasi alam ko naman na nagsusugal lang ako.
Walang kasiguraduhan.
Umaasa lang sa chansa.
Sa chansa na baka sakaling mamahalin mo rin ako.
Pero ang totoo, kaibigan lang ako para sa'yo.

-end-

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon