Spoken Poetry | 11

1.1K 3 0
                                    

Sobrang Honest Mo!
-lahingmusikero

Sa sobrang honest mo,
wala kang oras na pinapalampas.
Lahat alam mo.

Sa sobrang honest mo,
palagi ikaw ang tama.
Ako naman ang parating mali.

Sa sobrang honest mo,
bawat kilos ko pinapakialaman mo.
Wala naman akong magagawa dahil lahat ng sinusumbat mo, tama.

Hindi naman ako naiirita,
kasi Mahal Kita.
Lahat tatanggapin ko.
Lahat titiisin ko.

Sa sobrang honest mo,
pinipilit kong maging perpekto.
Maging tama sa paningin mo.
Kasi gusto ko, palagi kitang nakikitang masaya.

Ayoko na ng away,
nakakasawa na.
Palagi na lang.

Sa sobrang honest mo,
lahat ng ginagawa ko,
gusto mong ikaw muna ang makakaalam.

Sa sobrang honest mo,
lahat ng oras palagi kitang kasama.
Kasi ayokong magduda ka.
Ayokong magalit ka.
Baka umabot na naman tayo sa sumbatan, dahil sa selos mo.
Ang honest mo pa naman.
Tama ka pa naman palagi.

Ayoko nun kaya lahat ng gusto mo gagawin ko.

Tumagal tayo.
Tumagal pa ng tumagal.

Hanggang sa may naramdaman akong kakaiba.
Kakaiba na parang may mali.

Hindi na ako halos makahinga kasi parang nasasakal ako.
Wala naman akong sakit,
pero ano 'tong nararamdaman ko?

Hanggang sa napagtanto ko,
na kailangan ko na rin pa lang maging honest sa sarili ko.
Sayo.

Tama ka,
palagi akong mali dati,
pero sa oras na ito,
sisiguraduhin kong tama ako.

Hindi ako masaya.

Tama ka,
hindi ako masayang kasama ka.
Lahat pinipilit ko.
Pinipilit ko kasi akala ko magbabago ka.
Hindi pala.

Honest ka lang pala.

-end-

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon