Spoken Poetry | 31

576 2 0
                                    

Feeling na ma-in love
-lahingmusikero

Sabi nila, ang sarap daw sa pakiramdam na ma-inlove.
Ang gaan.
Sobrang gaan na tila ba dinuduyan ka sa hangin sa sobrang sarap.

Bakit iba ang pakiramdam ko?

Bakit hindi tugma sa sinasabi nila na sobrang sarap sa nararamdaman ko ngayon na sobra namang sakit?

Asan ang sarap doon kung na-inlove naman ako sa taong hindi naman ako ang gusto?
Sa taong hindi naman ako ang tipo?

Asan ang gaan doon kung nabibigatan na siya sa kaniyang nararamdaman sa tuwing kami ay nagkikita?

Bakit ganito?
Bakit nangyayari ito sa akin?

Bakit sinasaktan ako ng sobra sa nararamdaman kong 'to?

Bakit hindi na lang ako gustuhin ng taong mahal ko para wala ng sakit?

Bakit hindi na lang din siya ma-inlove sa akin?

Ang dami ko talagang tanong kasi naguguluhan ako ng sobra.

Ang hirap kasing magpanggap na hindi ka nasasaktan sa tuwing nakikita mo siyang may kasamang iba.

Ang hirap kasing magpanggap na masaya kung alam mo naman na masaya siya sa piling ng iba.

Ang unfair!

Sobrang unfair!

Hindi pala totoo na masarap sa pakiramdam na ma-inlove.

Hindi pala totoo na sobrang gaan sa pakiramdam na ma-inlove.

Kasi ang totoo, sobrang sakit!
Sobrang bigat! Ang hirap!

Maniwala kayo, kasi isa ako sa mga nakaranas nito.

-end-

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon