Takot
-lahingmusikeroMagsisimula ako sa panahong kung kailan wala ka pa at ako pa lang mag-isa.
Mga panahong wala akong pakialam kung ano man ang gusto kong gawin sa aking buhay, kasi wala namang madadamay.
Mga panahong wala pa akong masyadong iniisip, kasi hindi pa naman ako in a relationship.
Mga panahong hindi stress.
Masaya lang kumbaga kasi lahat nagagawa ko ng walang pag-aalinlangan kasi hindi naman limitado ang oras ko.Hanggang sa dumating ang araw na ikinakatakot ko.
Ang araw na alam kong magpapabago sa takbo ng buhay ko.
Ang araw na nakilala kita.Takot ako sa totoo lang kasi alam kong sobrang hirap nang may minamahal.
Ang hirap kasi kontrolado na lahat ng ginagawa ko.Alam mo bang sa simula, pinagduduhan kita?
Alam mo bang sa simula, hindi kita sineseryoso?
Alam mo bang sa simula, nagdadalawang-isip pa ako?
Pero, dahil mahal kita, lahat ng iyon itinago ko.
Lahat ng iyon sinarili ko na lang kasi mahal kita eh.
Alam mo bang handa akong sumugal para lang sa nararamdaman ko.
Handa akong masaktan kasi mahal na mahal kita.Lumipas ang mga araw ay tila nagbabago lahat ng pananaw ko sa iyo.
Lahat ng pagdududa ko, tila napalitan ng saya.
Saya dahil iba ka sa kanila.
Saya dahil akala ko magiging limitado na ang oras ko.
Sobrang saya ko dahil akala ko hindi ko na magagawa ang mga bagay na gusto ko.
Akala ko magiging stress ako.
Pero, lahat ng iyon ay mga pagkakamali ko.Pasensiya na dahil inunahan kita.
Pasensiya na dahil hinusgahan agad kita.
Pasensiya na dahil akala ko magiging katulad ka nila.
Pero, laking pasasalamat ko dahil minahal mo ako kung ano ang nararapat at tinanggap mo pa rin ako kahit malaki ang naging kasalanan ko.-end-
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero