Buwan
-lahing musikeroIka'y tulad ng isang buwan sa langit
Kay sarap tanawin ngunit mahirap masungkit.
Mahiwaga mong gandang namumukod tangi
Hanggang kailan mapapansin ang isang tulad ko na ikaw ang tinatangi.Palagi kitang titingalain.
Hindi titigil
Hangga't naisin mo
na ako ay pansinin.Isa kang liwanag na nag-aalay
ng pag-asa sa dilim,
At gabay sa bawat dako
na aking tinatahakHindi ko mawari kung isang gabi
Hindi kita masilayan
Tila babagsak ang luha ng kalangitan
Na siyang dahilan ng aking kalungkutan.Umasa ka na kapag dumating ang bukas
Ikaw pa rin ang magsisilbi kong araw.
Ang buwan na siyang tunay na bumihag sa'kin dahil sa taglay mong kagandahan.Malayo ka man.
Mahirap ka man abutin.
Sana marinig at maramdaman mo 'tong himig sa aking puso.Maghihintay ako.
Ikaw lang at wala ng ibang hihigit pa sa'yo.
Dahil ikaw na ang nagsilbi kong mundo.
Ikaw ang siyang tunay na mamahalin ko hanggang sa dulo.-end-
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero