Spoken Poetry | 07

1.7K 7 0
                                    

"Reserba"
-lahingmusikero

Masaya kang sinabi mo
na 'TAYO NA'.
Sa sinabi mo na ako na.
Ang simula at huli mo.

Siyempre pati ako, hindi na halos makapagsalita dahil sa saya.
Mahal kita eh.
At sabi mo, 'Mahal na mahal mo rin ako'.

Hindi na ako nag-isip ng kung anu-ano, kaya lahat ng ito pinaniwalaan ko, kasi ipinangako mo naman ito sa harap ko na ito'y paninindigan mo.

Sabay ang pagdaan ng mga araw ay ang pagdaan din ng 'yong mga ipinangako.

Relasyon natin parang tatsulok.
Umaangat hanggang sa naabot natin ang tuktok.

Dumaan pa ang mga araw, sabay pa rin dumaan ang lahat ng 'yong mga ipinangako.

Hanggang sa dahan-dahan na tayong bumababa sa tatsulok ng relasyon nating dalawa.

Lumalabo na tayo.

Dahan-dahan ikaw ay nagbabago.

Hanggang sa 'di ko na makita ang dating tayo.

Sinimulan ko na ring hanapin ang dating sabi mo na 'TAYO NA', na 'AKO NA'.

Palihim ko itong hinanap pero iba ang nakita ko.
Nakita kitang masayang kasama ang iba.

Asan na ang 'SIMULA AT HULI' na sinasabi mo, kung sa kalagitnaan nito'y nadapa ka at hindi mo na nakuhang tumayo, dahil nahulog kana sa kaniya.

Asan na ang paninindigan mo na ako lang ang mamahalin mo?

Bakit 'di mo man lang sinabi sa akin na kulang pala ako sa'yo?

Na hindi pa sapat para sa'yo ang lahat ng ginawa ko?

Ang lahat ng effort ko para sa relasyon natin?

Akala ko ikaw na.

Akala ko hindi ka gaya nila.

Akala ko matino ka.

Akala ko loyal ka.

Iyon pala, wala ka ring pinagkaiba sa kanila.

'Di mo rin pala kayang makuntento sa isa.

Gusto mo pala nang may reserba.

Pinagsabay mo pa talaga kami ng kaibigan ko.

Lodi na talaga kita.
Ang galing mo eh.
Sobrang galing mo dahil...

... nauto mo kami pareho.

-end-

Please do vote. Thank you so much!

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon