Spoken Poetry | 15

919 2 0
                                    

Sino Ka?
-lahingmusikero


Sisimulan ko ang tula
kong ito sa tanong.
Ano ka bilang isang Pilipino?
Sino ka ba para masabi
naming Pilipino ka?
Iyong Pilipinong tunay
at hindi huwad.
Pilipino ka nga ba talaga?

Paano mo 'yan masasabi kung isa ka sa mga milyon-milyong Pilipinong humahanga sa mga wikang  banyaga?

Hoy! Gumising ka!
Huwag puro Koreano!
Huwag puro sabay sa uso!
Hindi ka nakakatulong para sa ikauunlad ng ating bansa,
bagkos ikaw ay isang napakalaking kahihiyan para sa ating mga ninuno.
Mga ninunong nagbuwis ng kanilang buhay para sa wika at sa bayan.

Hindi naman masamang tumangkilik sa wikang banyaga,
kung sa puso mo, inuuna mo ang wikang iyong sinilangan.

Baliktarin man ang mundo,
simula't sapol tayo'y Pilipino.
Kakaiba sa iba.
Magkakaiba man pero iisa.
Kaya sabay-sabay nating gamitin ang wikang katutubo tungo sa isang bansang Filipino.

-end-


Author's Note:

Ang tula na ito ay para po 'to sa pagdiriwang ng buwan ng wika. Sana huwag po nating hayaan na mawala ang sariling wika natin. Gamitin po natin ito ngayon, bukas at habam-buhay. Huwag po nating hayaan na lamunin tayo ng iba upang tuluyan ng maglaho ang sariling atin. Salamat.

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon