Spoken Poetry | 29

600 2 0
                                    

Hindi Pa Handa
-lahingmusikero

Masaya ako noong una tayong nagkita.
Nagtagpo ating mata na tila may ibig iparating sa isa't-isa.
Gusto ko mang magsalita pero hindi ko magawa kasi tinutunaw mo ako sa titig na tila ayaw mo pang kumawala.
Nakakatuwa, pero sa panahon na iyon naging magkaibigan tayong dalawa.

Masaya ako dahil araw-araw nasa tabi kita.
Araw-araw pinaparamdam mo sa akin na hindi ako iba.
Wala kang sinasayang na oras mapasaya mo lang ako kahit nakakahiya.
Kaibigan nga kita.

Ang suwerte ko kasi nakilala kita.
Wala kasi akong nararamdaman na problema sa tuwing magkasama tayong dalawa.

Hanggang sa dumating ang araw na aking ikinabigla.
Ang araw na hindi ako makapaniwala.
Sinabi mo sa harap ko na ako ay mahal mo.
Sinabi mo sa harap ko na ako ang itinitibok ng iyong puso.

Hindi naman agad ako naniwala kasi alam kong ikaw ay nagbibiro.
Mas lalo akong kinabahan, tuliro dahil hinawakan mo ang dalawa kong kamay na ngayon ay ramdam ko na ikaw ay seryoso.

Pumatak ang luha ko sabay piglas kasi hindi ako handa lalung-lalo na 'tong aking puso.
Ayoko pang magmahal kasi parang kahapon lang iniwan ako ng taong aking minahal.

Pasensiya na, pero sa ngayon natatakot pa ako.
Takot ako na baka maulit ang nangyari sa akin dati.

Pasensiya na pero hindi pa ako handang masaktan muli.
Hindi pa ako handang suklian ang pagmamahal mo at sana ay maintindihan mo ako.

-end-

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon