Walang Katapusang Pasasalamat
-lahingmusikeroMahal, salamat pala.
Salamat pala sa lahat ng kabutihan na nagawa mo sa akin.
Salamat sa walang katapusan na pagmamahal na ipinadama mo sa akin.
Mahal, salamat.
Dahil kapag sa oras na ako ay problema, ikaw ay agad pumaparito sa tabi ko, at handang maging panyo ko.
Mahal salamat sa pag-iintindi, kahit minsan ay paulit-ulit na lang.
Mahal salamat kasi hindi ka nagsasawa sa akin.
Salamat sa mga oras na ikaw ay nagtitiis kakahintay sa akin.
Mahal, salamat sa mga pagkain na ibinigay mo, kahit minsan ay nakakasawa na, kasi paulit-ulit na lang.
Salamat sa hatid-sundo, kahit saan man ko gustong pumunta.
Salamat sa mga corny mong jokes.
Sa pagpapasaya.
Sa pagpapaiyak.
Dahil sa paraan na ito, nararamdaman ko ang pagmamahal mo.
Mahal, salamat sa mga halik at mga yakap mo.
Mahal, salamat sa ibinibigay mong oras sa akin.
Salamat sa pagtatanggol mo sa akin.
Sa pagtanggap sa kung ano at sino ako.
Salamat mahal, dahil ipinaramdam mo sa akin na ako ay nararapat sa'yo kahit minsan ako ay may pagkukulang sa iyo.
Mahal salamat!
Kahit wala ka na, alam natin na ang pagmamahal nating dalawa ay kailanma'y hinding-hindi mawawala.
Hanggang sa muli ng ating pagkikita mahal.
Hintayin mo ako.
Itutuloy natin diyan ang pagmamahalan nating dalawa.
-end-
Please do vote and support this. Thank you so much for reading.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero