Crush
-lahingmusikeroSi crush ang dahilan kung bakit ako excited gumising.
Kung bakit ako sobrang excited pumasok sa school.
Kung bakit palagi akong masaya.
Palaging nakangiti.
Kung bakit feeling ko, araw-araw nananalo ako sa lotto.
Kung bakit ang dami kong arte sa katawan.
At kung bakit palagi akong inspired.Hindi ko alam kung bakit ang dami kong bakit.
Ganito lang talaga ako sa tuwing nakikita kita, CRUSH.Nababaliw.
Parang tanga.
Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nagkaganito.
Nahihibang lang ba ako?
Nagpapapansin?
Ewan, hindi ko alam.Basta ang tangi ko lang alam, ay ang buo ang araw ko sa tuwing nakikita ko ang isang simpleng pagngiti mo,
ang isang simpleng pag-'Hi' mo,
o kahit ang isang simpleng tingin mo.
Minsan talaga napapaisip na lang ako,
na kung paano kaya maging crush mo rin ako?
Iyong maging masaya ka rin sa tuwing makita mo ako.
O 'di kaya, papano kung maging 'Tayo'?
Ano kaya ang mangyayari?
Ako na siguro ang pinakamasayang tao sa buong mundo.Pero, paano?
Paano ko 'yon magagawa?
Crush kita noon pa,
at sa hindi ko inaasahan na pagkakataon,
higit na sa crush ang turing ko sa'yo.
Mahal na kita.Masaya ako na minahal kita,
kasi ikaw 'yong tipong tao na deserve mahalin.Hindi ko lang matanggap na kung kailan na kita mahal,
ay tsaka ka naman nakahanap ng iba.Kaya imposible na talaga sigurong magkatotoo ang salitang 'Tayo'.
Nagsisisi rin talaga ako kung bakit pa ako napunta sa punto na ito.
Sana bumalik 'yong araw na 'crush' pa lang kita.
Kasi doon masaya naman ako.
Masaya na ako sa isang ngiti, 'hi', at tingin mo.Kaya kahit may mahal ka ng iba,
sana malaman mo na may isa pang taong patuloy na nagmamahal sayo......at AKO 'yon!
-end-
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero