Sinayang
-lahingmusikeroPalagi na lang nag-iisa at walang gustong sumama.
Palagi na lang nasasaktan dahil wala akong taglay na kagandahan.
Walang itsura na puwedeng ipangalandakan sa karamihan.Palagi na lang ako at wala sila,
Dahil sa ako ay wala ng pera.
Wala sila dahil sa akin ay wala na silang nakukuha.Self, magpakatatag ka!
Laban pa rin kahit alam mong madalas ka mang iwan.
Tuloy lang kahit alam mong sobra na ang sakit.
Sakit na walang may alam kundi ikaw lamang.Hindi mo na kaya pero nakikiusap ako na taas noo ka pa ring magpapatuloy.
Tulungan na lang natin ang isa't-isa.
Ipapakita pa rin natin sa kanila ang ating ngiti kahit sa likod nito ay pighati.Umasa lang tayo na darating din ang panahon.
Ang panahon na para lang sa atin at dito ay walang makakapigil.Hindi pa naman tayo mauubusan sa ngayon.
Lagi lang nating tatandaan na hindi sila kawalan.
Wala silang kuwenta at kawawa sila kasi sinayang nila ang tulad natin na kung magmahal ay tagos hindi lang sa puso pati na rin sa buto.-end-
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero