Spoken Poetry | 19

736 4 0
                                    

Plastic
-lahingmusikero

Plastic!
Minsan nasa basurahan, nagkukumpulan.
Minsan nasa dagat, lumulutang.
Minsan nasa kanal, bumabara.
Minsan nasa daan, nagkakalat.
Pero, kadalasan nasa harap mo lang.
Nakangiti.
Kinakausap ka ng masinsinan.

Wala kang kamalay-malay, hinihila ka na pala pababa.
Hindi mo alam kasi parang nakapag-masteral na sa sobrang galing magpanggap.

Tunay na kaibigan kung iyong ituring,
Pero ang totoo, traydor pala at gusto kang lasunin.

Sa bawat tagumpay na iyong nakakamtan,
Animo'y anghel na nakangiti sa'yong harapan,
Iyon pala ay demonyo sa sobrang inggit na kaniyang nararamdaman.

Plastic!
Napaka-toxic!
Sa sobrang toxic,
Kung mandamay, walastik!
Mandamay sa mga katulad mo na walang kamalay-malay.

Aanhin pa ang katerbang kaibigan,
Kung halos lahat nito'y masaya lang kapag nasa iyong harapan.
Mas gugustuhin ko pang magkaroon ng isang kaibigan kahit kung magsalita ay wagas at tagos hanggang buto,
Basta alam at sigurado ako na siya ay totoo.
Walang halong kemikal, purong natural lang.

-end-

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon