Si Tatay
-lahingmusikeroSa tatay 'yong taong kilala natin na matapang.
Araw-araw nagtatrabaho para sa atin na mga anak niya.Iniinda ang pagod,
ang sakit,
ang hirap,
kasi kailangan natin siya.Naaawa siya sa atin sa tuwing may mga bagay tayong gusto na hindi niya maibigay.
Ayaw niya kasing magkulang siya.
Ayaw niyang nahihirapan tayo.Umiiyak din kasi 'yong mga tatay natin.
Hindi lang natin nakikita,
kasi ayaw niyang makita natin siyang mahina.
Pinipilit lang niya maging malakas,
kasi 'yon ang gusto natin sa kaniya.Tandaan mo, mahal tayo ng mga tatay natin, 'di man niya tayo sinasabihan ng 'Mahal Kita'.
Siguro sapat na ang lahat ng mga sakripisyo niya upang malaman natin na mahal nga tayo ng mga tatay natin.Si tatay nagseselos niyan sa tuwing nagkakaroon ka na ng pamilya.
Kasi alam niyang mahahati na ang oras mo sa kaniya.Pero, kahit ganiyan,
mahal ka pa rin niyan.
At ang magiging apo niya,
mas mamahalin niya 'yan.Galit man siya minsan.
Sinasaktan ka man minsan.
Sana alam mo na parte lang 'yan ng pagdidisiplina sa'yo.
Parte 'yan ng pagmamahal niya sa'yo.Kung umiyak ka dahil nasaktan ka,
higit siyang nasasaktan.
Hindi lang natin alam kasi nilalamon agad tayo ng ating galit.Si tatay masaya 'yan sa tuwing nakikita niya tayong mga anak niyang masaya,
nagtutulungan,
at nagmamahalan sa lahat ng bagay.Sana gaya ng pagmamahal niya sa atin, suklian din natin siya nang higit pa sa kaniyang inaasam.
-end-
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero