Sana All
-lahingmusikeroMarami ang sinuwerte sa pag-ibig.
Nakatagpo ng seryoso at hindi manloloko.
Minahal ng tunay at hindi laro-laro lang ang pakay.
Marunong rumespeto at hindi sira ang ulo.
Sana all.
Sana lahat seryoso at hindi nagloloko.Marami ang nag-aaway pero hindi naghihiwalay.
Away lang at walang iwanan.
Parehong nag-iisip at pinapahalagahan ang relationship.
Sana all.
Walang iwanan kahit madalas man hindi nagkakaintindihan.Marami ang nasasaktan dahil sa selos na nararamdaman.
Pero, hindi kailanmam iisipin na wala ng halaga ang pagmamahalan sa inyong pagitan, kasi wala ka naman kasiguraduhan na ikaw ay pinagloloko niya nang hindi mo nalalaman.
Sana all.
Hindi masyadong iisipin ang selos na nararamdaman kasi wala namang kasiguraduhan.Marami ang nakakaranas ng problema, hindi lang sa relasyon ng mag-jowa, pero kahit kailan walang may sumusuko kasi parehong naniniwala na pagsubok lang ito at kailangan hindi sila magpapatalo.
Sana all.
Hindi nagpapatalo sa pagsubok na kinakaharap ninyong dalawa.Sana all, marunong umintindi.
Sana all, marunong tumanggap.
Sana all, marunong magpahalaga,
Marunong rumespeto sa kahit anumang aspeto.
Sana lahat ganito kung mag-isip.
Hindi lang sa relasyon, sana pati na rin sa ibang bagay.
Para wala ng pusong masaktan ng pangmatagalan nang dahil lang sa simpleng hindi pagkakaintindihan.-end-
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero