Laban! Self.
-lahingmusikeroPalagi na lang sila.
Palagi na lang siya ang iyong iniintindi.
Paano ka naman, na sobra ng nasasaktan?
Nasasaktan at sobra na ring nahihirapan?Laban! Self!
Pakiusap, huwag kang sumuko.
Lumaban ka!
Lumaban ka!Self, ikaw naman!
Pakiusap.
Sarili mo naman ang iyong tulungan.
Sarili mo naman ang iyong intindihin.
Kasi sobra na.
Hindi mo na kaya pero pinipilit mo pa rin.Self, hayaan mo na sila naman ang makakapansin sa iyong kalagayan.
Hayaan mo silang ikaw naman ang kanilang tulungan.
Hayaan mo sila naman ang umintindi.
Kahit alam mong hindi ka sigurado kasi ang alam lang nila, okay ka.Self, maawa ka naman sa sarili mo.
Tao ka lang din gaya nila.
May katawan na napapagod.
May utak na naguguluhan.
At may puso na nasasaktan.Laban! Self,
Kahit walang may nakakapansin.
Laban! Self,
Kahit sarili mo lang ngayon ang iyong kakampi.
Masakit isipin, pero sana huwag mo pa ring isiping sumuko.Laban! Self.
Kahit durog na 'yang puso mo.
Kahit masakit, pakiusap ngumiti ka pa rin.
Bumangon ka pa rin at ipagpatuloy ang paglalakbay.
Kasi para ito sa sarili mo.Muli, laban! Self.
-end-
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero