Nagtiwala Ako
-lahingmusikeroPaano?
Saan?
Kailan ako magsisimula?
Tula aking ginagawa tungkol sa istorya nating dalawa.Ah! Alam ko na!
Magsisimula ako noong panahong ako muna, bago siya.Oo, tama ka.
Magsisimula tayo sa kung paano mo nakuha ang aking tiwala sa sinabi mo, na ako ay 'yong mamahalin ng buo-buo at iyon ay walang halong biro at panloloko.Nagtiwala ako, dahil iyon ay ipinangako mo.
Loob ko, nakuha mo.
Puso ko, naakit mo.
Dahil sa mga panahon na iyon ikaw ay seryoso.Nagtiwala ako, dahil iyon ay ipinangako mo.
Araw, lumipas.
Buwan, nagdaan.
Ano ito aking nabalitaan tungkol sa'yo, aking mahal?Ayokong maniwala dahil sa ito ay walang kasiguraduhan.
Minsa'y walang katotohanan dahil sa ito ay tsismis lamang.Pero, hindi!
Mali ako!
At tama sila!
Tama ang tsismis!
Tama ang tsismis, dahil sa aking natuklasan.Namilog aking mata.
Nanluluha at nanginginig dahil sa galit na aking nararamdaman.Nakita ko ikaw, kayo!
Nakita ko kayo na masayang nagyayakapan.
Mahigpit!
Mas mahigpit pa sa yakap mo sa akin na halos hindi niyo na gustong magbitawan.Wala kayong pakialam sa kung sino man ang tumingin.
Tila parang sulong-sulo niyo ang mundo na parang hindi niyo alam na sa likod niyo ay may taong nasasaktan.Napahinto na lang kayo bigla nang makita mo ako na sa'yo ay tulalang nakatingin.
Napako ang iyong tingin, na parang wala ng pagtingin.
Gusto kitang sumbatan!
Pero, heto ako ay kinakabahan.Gusto kong sumigaw sa harap ng maraming tao tungkol sa ipinangako mo.
Pangako mo, na ako lang ang mamahalin mo.Pero, pangako na ito ay biglang napako dahil sa oras na ito ako ay hindi mo ipinaglaban.
Sa oras na ito, ako ay 'yong tinalikuran kasama siya habang magkahawak ang inyong kamay.
Wala ka man lang kahit isang salitang binitawan, bago mo ako tuluyang iwan.
-end-
Please do vote and support this. Thank you so much for reading.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero