Spoken Poetry | 16

844 1 0
                                    

Minsan Na Akong Niloko, at Ito'y Ipinagmamalaki Ko.
-lahingmusikero

Aabot talaga tayo sa punto na mahuhulog sa taong hindi tayo sigurado.
Sigurado kung siya ba ay seryoso, at ikaw rin ang tinitibok ng kaniyang puso.

Kahit na malabo, basta ang alam natin siya ang tinitibok ng ating puso, go pa rin tayo.

Kaya pala malabo. Kaya pala tayo hindi sigurado kasi siya pala ay magloloko.
Paluluhain ka sa sakit.
Hindi ka papatulugin sa kakaisip.
Sa kakaisip kung ano ba ang pagkukulang mo para ka niya ipagpalit.

Niloko man ako,
Sinaktan man ako,
Pinahirapan at pinagmukhang tanga sa loob ng maraming panahon,
Babangon at babangon ako.
Masakit man, pero kailangan ko 'tong tanggapin.
Nagmahal lang naman ako kung ano ang nararapat.
Kahit para sa iyo hindi iyon sapat,
Ako pa rin sa iyo ay magpapasalamat.

Nagpapasalamat ako dahil sayo ako'y natuto.
Tinuruan mo 'ko kung paano lumaban.
Lumaban kahit anong sakit man ang aking mapagdadaanan.

Ilang ulit man akong lokohin.
Ilang ulit man akong paiyakin.
Pahirapan at hindi halos patulugin.
Kailanman, hinding-hindi ako mahihiyang sabihin sa inyong lahat na minsan na akong niloko, at ito'y ipinagmamalaki ko.

-end-

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon