Spoken Poetry | 26

546 2 0
                                    

Inggit
-lahingmusikero

Gaya niya, sana matangos din ilong ko.
Gaya niya, sana makinis at maputi rin ang kutis ko.
Gaya niya, sana may kotse rin ako.
Gaya niya, sana sexy ako.
Gaya niya, sana may abs ako.
Gaya niya, sana pogi ako.
Gaya niya, sana maganda ako.
Hiling ko sana ay gaya niya, ganoon din ako.

Pakiusap, sana itigil mo na ang ikumpara ang sarili mo sa iba.
Kasi gaya mo, tao rin siya.
Gaya mo, may kasalanan din siya.
Gaya mo, nasasaktan at nahihirapan din siya.
Gaya mo, may ninanais din siya na hindi niya makuha.
Gaya mo, hindi siya perpekto.

Huwag mong isipin na ikaw lang ang nahihirapan.
Huwag mong isipin na ikaw lang ang may problema at siya wala.
Tandaan mo, kahit ikaw ay ganyan, sigurado ako na may nagmamahal sa'yo.
Andiyan sila sa tabi mo kahit wala ka kung ano ang mayroon ang iba.
Tanggap ka nila.
Hindi ka nila pinapabayaan.

Sana huwag mong hayaang lasunin ka ng iyong inggit.
Lamunin ka ng iyong kalungkutan.
Bagkos lumaban ka.
Laban lang at tanggapin kung ano ang mayroon ka kasi iyon lang ang mahalaga at magpapasaya sa iyo na tiyak gusto ring maranasan ng iba.

-end-

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon