Pagkakamali
-lahingmsuikeroSa bawat sampong tama na nagawa mo, wala 'yang saysay kung isang beses kaman nagkamali.
Mga tao ngayon, nagbubulagbulagan sa katotohanan.
Nagbubulagbulagan sa kagandahang asal,
Pero, daig pa ang reporter sa bilis magkalat ng balita dahil sa iyong pagkakamali na nagawa.Hindi ko hinihingi ang kaligayahan mo sa tuwing nakakagawa man ako ng maganda.
Pero, sana huwag mo na lang akong pakialaman kung may hindi tama man akong nagawa.
Kasi hindi ko naman iyon sinasadya.
Kung sinadya ko man, sana huwag mo agad akong husgahan kasi hindi ko rin naman kayo ginaganyan.Sana matoto tayong magpatawad.
Matoto tayong tumanggap ng pagkakamali ng iba.
Kasi alam kong darating din ang panahon na ikaw rin ay magkakamali.
Kahit anong pag-iiwas man ang gawin ng 'yong sarili.Iwasan lang natin ang ipahamak sila.
Iwasan lang natin na gumawa rin ng pagkakamali dahil sa pagkakamali niya.
Kasi kung ganoon ka, mas magmumukha kang makasalanan kesa sa kaniya.Tulungan na lang natin siya.
Huwag na lang natin siyang pagtawanan.
Pagpiyestahan ng tsismis para mapahiya ng lubusan.
Kasi pareho-pareho tayong tao na may puso na nasasaktan.-end-
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero