Kapwa
-lahingmusikeroKung lahat ay nakakaintindi,
Walang ngiting mapapawi.
Kung lahat ay galak,
Walang pusong iiyak.Pilit ikukulong ang sarili
Sa takot sa puwede nilang masabi.
Hahayaan ang nararamdaman
Alang-alang sa gusto ng karamihan.Hindi ko 'to ginusto
kasi alam kong maraming tao
Ang ayaw ng ganito.
Sapagkat puso ko ang nagdikta nito
Kaya mahirap ng pigilan pa ito.Bakit nahulog pa sa'yo,
Kahit lalake naman tayo pareho?-end-
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero