Kaibigan na Nagbago
-lahingmusikeroMarami ang nakataas ang kilay sa tuwing ako'y dadaan.
Madalas din akong nakakarinig ng mga bulong-bulungan.
Siguro nga hindi na iyon bulong, kasi naririnig na ng dalawang tenga ko.
Mga masasakit na salita na tila para akong binabato at pinupokpok ng martilyo sa ulo.Takot sila sa tuwing nakakasalubong nila ako sa daan.
Iniiwasan na para bang may nakakahawa akong sakit na puwede nilang ikamatay.Hindi ko sila maintindihan, kung bakit sila ganoon.
Kung bakit hindi sila maka-move on sa isang pagkakamali na nagawa ko.
Oo, isang pagkakamali at agad silang nagbago.Ang sakit lang isipin na sa dinami-dami pa ng tao na puwedeng gumawa sa akin nun, ay ang taong minsan ko ng pinagkatiwalaan.
Mga taong tinuring ko ng pamilya.
Minahal ko na.
Ang mga taong ito'y ang mga kaibigan ko.Mga kaibigan na akala ko'y magtatangol sa akin.
Kaibigan na akala ko'y tutulong sa akin.
Tutulong na makabangon sa pagkadapa ko.
Pero, sila rin pala ang mas magpapahirap sa pinagdadaanan ko.Sobrang sakit isipin na wala silang magawa.
Pero, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na darating din ang panahon na makikita ko rin sila sa kung ano ang nakita ko sa kanila noong una.-end-
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry (Collection)
PoetrySpoken Poetry lamang ang laman ng librong ito. Sana magustuhan niyo at masuportahan niyo. -Lahing Musikero