At dumating na ang panahon
Kung saan, lahat sila'y magsisiparoon
Tangan ang kanilang suhestiyon
Ako'y hindi nila malingon.At dumating na ang panahon
Kung saan hihikbi ang pantugon,
Walang tutulong, 'di makaahon
Sa kinalalagyang piitang pugon.At dumating na ang panahon
Kung saan ako'y 'di na matutuntun
Higpitan ang kapit sa sinturon—
Ako'y sa ataul naroroon!
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PoetryAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...