Lubhang nakakatakot mabihag ng isang libro
Aalipinin at igagapos ang iyong pagkasino
Ihahawla at aangkinin ang iyong diwa't sentido
Pasusunurin ka sa makalumang ritmo ng sirko.Isasayaw ka nitong mahika ng tayutay na tukso
Bibilugin ng metapora't talinhaga ang iyong bungo
Ibubukaka ng letra ang iyong pagitan sa gawaing makamundo
Hahalayin ka ng berso hanggang maging hubad ang iyong anino.Ipararanas ng saknong ang langit-langitang dibino
Ihahatid ka ng taludtod sa nag-aapoy na disyerto
Paluluguran ka ng titik hanggang maabot mo ang dulo
At tuldok na bantas ang lulukob sa'yong bugso na naabo.Kung gayo'y matatawag ba akong marumi't makamundo?
Patawad kung minahal ko ang mapangahas at delikadong libro,
Gayunma'y hindi ako nagsisisi na nagpaalipin ako sa simbolismo
Dahil dito'y natutunan ko na hindi lahat ng libro ay puwede sa musmos na tulad ko.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PoetryAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...