Tangis ng kalangita'y nakisimpatya—
Na siyang bumasa sa buo kong hulma.
Nagsalo ang pawis, luha ko at ulan—
Na s'yang bumalot sa buo kong katawan.Katauhan ko'y pagod na sa pagtangis,
Babad ang kalamnan sa natuyong pawis
Buhat nang nakita ko sa takipsilim:
Nobya ko't ama'y nagtatalik ng lihim.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PoetryAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...