Sa panahong nangangaligkig ang bisig,
Sa panahong nangangatal ang bibig,
Sa panahong paos sa palahaw ang tinig
Isang tasang kape ang aking iniibig.Sa bawat patak at buhos ng ulan
Aroma ang yumakap sa hubad kong katawan
Hindi ko mabilang kung ilang beses iniwan
Pero kape ang nagsilbi kong sandigan.Ang hatid mong usok, init at tapang
Ang lumaman sa papel kong patlang
Ang hagod at sipa ng iyong kapaitan
Ang siyang gumising sa aking kahubaran.Sa bawat bigat na aking pasan
Sa bawat hinanakit at poot na tangan
Sa bawat "ayaw ko na, 'di na kita kailangan!"
Ikaw ang itinuring kong kaibigan.Higit ka pa sa kaibigan kong matalik
Dahil letra por letra, titik sa titik
Batid mo ang laman ng aking nilalaman
Kung ano iyon? Ikaw at ako lang ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PuisiAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...