Tungayaw ng layaw ang sa entablado'y sumayaw,
Sa pulutan ng palahaw, ang Mesiyas ang isinawsaw.
Imahe sa krus— dugo't pawis ang nangagtampisaw,
Silweta ng banal ngunit ang Banal ay binahaw.Haplos-palad ng lubha ang kay Cristo'y tumudla,
Kamay nami'y maysala, kabaliktaran nitong sula.
Sa huling pitong wikang kinalabit ng Kanyang dila,
Kinalbaryo't nagbuwis, nanatiling supling-lupa ang tala.Kung si Hudas ay taksil, isa sa lipi nitong ahas,
Kung si Cristo'y inahas nitong madlang hinugot sa tadyang ng dahas.
Ngayo'y sino sa sino ang cristianong tunay na talipandas?
Lahat tayo'y magsiluhod, pagsusumamo ang ipamalas.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PoetryAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...