May kuwento ang bawat sugat
Kung ilang impit bawat antak?Ilang timbang luha ang pumatak
Sa bawat hagupit ng tabak?IIang palahaw ang kumawala
Sa idlip at antok na nawala?Ilang grado ang pumalakol
Dahil sa pagpapabaya't pagbubulakbol?Ilang pamilya ang nawasak
Sa bawat hindi pagiging-tapat?Ilang saksak ang tinamo
Sa bawat tiwalang naabo?Ilang pagkakaibigan ang nawala
Sa maling paratang at hinala?Ilang relasyon ang nasira
Sa bawat pagpihit ng tadhana?Kaya minsan, masarap tabunan ang sugat
Kung saan walang makakapansin ng 'yong paghihirap.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PoetryAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...