Pandemya ay dumatal—
Buhay ay nginangatal,
Abo ang dinidighal.Garapon ang s'yang selda
Nitong may bihis duda.
Inihimlay sa tulda.Ang siyang namanata,
Hitik sa pagpapala.
May basbas ni Bathala.Pagdulog ang ginawa,
Binanal kanyang diwa.
Inilihis sa sigwa.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PoetryAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...
PANATA(G)
Pandemya ay dumatal—
Buhay ay nginangatal,
Abo ang dinidighal.Garapon ang s'yang selda
Nitong may bihis duda.
Inihimlay sa tulda.Ang siyang namanata,
Hitik sa pagpapala.
May basbas ni Bathala.Pagdulog ang ginawa,
Binanal kanyang diwa.
Inilihis sa sigwa.