Talbos

1 1 0
                                    

Tayo nga'y punla ni Bathala dito sa lupa,
Sa kulungan nitong makamundo at sugapa.
Tayo ay manlalakbay sa makarimlang sapa,
Tayo'y umusad upang kamti'y lisya sa sumpa.

Kung panaho'y kumulimlim— yakapin ng dilim,
H'wag matakot 'pagkat ito'y pawang takipsilim.
Kung yaong gipit nga'y kumakapit sa patalim,
Pananalig mo ay sa Diyos pumailalim.

Kung saan mayroong hinirang Siya'y naroon,
Maging sa palad, piyedras platas man o dahon—
Ano lamang ang sa linyang ito'y minumuhon?
Ang basbas na'ting tangan'y mula sa Panginoon.

Mga Tulang Pinanday ng TalinhagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon