Jonaxx

4 2 0
                                    

Marahil may kwento ang bawat awit ng Adarna
May puwang ang paglaya sa piitang tinanikala
Marahil may imahe sa likod ng mga letra at salita
May puwang ang paghanga sa likod ng may-akda.

Hindi ba't iisa lamang ang kurba ng mga titik?
Subalit bakit ako'y napaibig ng iyong hinasik
Gayong wala namang mahika ang iyong panitik?
O baka ang mahika'y nasa sariling pananabik?

Hindi ko na mabilang sa aking mga daliri
Kung ilang aklat na ang sa'kin ay nagpangiti
Ngunit ang sa iyo ang higit na katangi-tangi
Niyakap ako ng iyong talinhaga't nabighani.

Sa bawat bali ng iyong nilulutong mga kuwento
Unti-unting kinulayan ang maputla kong pagkasino
Iminulat ang matang sa karunungan ay salat
At tinuruan sa reyalidad ng mga bagay na dapat.

Marahil sandamakmak na ang aking mga aklat
Hindi na mabilang kung ilang libro ang nabuklat
Subalit kahit baliktarin pa ang hibla ng pamagat
Ay ikaw pa rin ang pinipili kong ulirang manunulat.

Mula sa iyo'y natuto ako ng salitang pagkahinog
Kilos, asal, maging pananaw ay ganap na nahubog;
Bagaman walang pakpak ay natuto akong lumipad,
Mangarap sa pamamagitan ng pluma, papel at palad.

Happy Birthday Ma'am!

Mga Tulang Pinanday ng TalinhagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon