Mata'y pansamantalang ipapahinga
Ipipikit— magpapaalipin sa gunita
Sasariwain ang sugat na iniinda
Kahit kapalit ay paglandas ng luha sa mata.Kaysarap yakapin ang kahapong nagtapos
Kung saan sariwa pa ang ugong ng unos
Ang alaalang sa pag-iral tumatagos
Ay siyang sa pagkasino ipininta ng galos.Kaya sumasaya ako tuwing sasapit ang takipsilim
Kung saan pinipili kong ihikbi sa lilim ng dilim
Dahil minsan kung saan pa ang pugad ng dilim
Ay nandoon din minsan ang langit na lunas sa panimdim.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PoetryAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...