Pa'no hasain ang pumurol na pluma?
Pa'no muling hinugin ang metapora?
Pa'no gisingin ang natulog na tinta?
Pa'no linisin ang papel na naluma?Pa'no manumbalik ang dating talim?
Pa'no bawiin ang salitaang malalim?
Pa'no sindihan ang banta ng kulimlim?
Pa'no ilihis ang takipsilim sa dilim?Pa'no manumbalik ang dating ningas?
Pa'no pag-alabin ang dating gilas?
Pa'no gamitin ang tinatagong alas?
Pa'no kung walang titulong lunas?Pa'no muling kumatha ng tula?
Pa'no kung binalot na ng tudla?
Pa'no kung matanso ang sula?
Pa'no buhayin ang Makatang naluma?Pa'no mag-umpisa mula sa simula?
Pa'no humiling ng imposibleng himala?
Pa'no muling tumugma ang manunula?
Pa'no ibalik ang hilig na nawala?
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PoetryAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...