Eba't Ada'y natukso ng hain sa hapag.
Tumikim nitong bawal, humabi ng bahag.
Kahihiyan ang tinamo sa Kanyang dayag.
Hukom ang 'ginawad sa hinabing paglabag.Sa katakot-takot na araw nga'y isalba
Yaring sarili sa nagngangalit na sumpa.
Tanganin Kanyang banal na salita: dogma.
Magbagong buhay ka't sa sala ay lumisya.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PoetryAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...