Huwad na Pananampalataya

1 1 0
                                    

Ang mundo ay isang entablado ng mga leong gala
Kung saan ang satanas ay itinuturing na Bathala,
Niluluhuran ang imaheng tao rin ang gumawa,
Nilalagak ang inakalang kabanalan sa pagkakasala.

Baluktot ang debosyong kinagisnan ng santinakpan—
Krus na simbolismo ng kamlatayan ang tinangan,
Ipako at sugatan ang sarili'y itinuturing na kabanalan;
Pakikinig sa dogma ay itinuring na isang kahuwaran.

Nangagpataasan ng sariling mga takong—
Kanya-kanyang suhestiyo't mga bulong,
Sa tungayaw naka-angkla ang dunong,
Alingawngaw ng leon ang dumagungdong

Ika'y isang aliping tuta ni kamatayan
Kapag lumihis ka sa ruta ng karamihan.
Makasalanan kung iba ka sa nakasanayan:
Hudas ang hulma mo sa karamihan.

Mga Tulang Pinanday ng TalinhagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon