Minsan ko nang inilagak ang sariling ako
Sa kahong hindi ko batid kung ito'y iksistido;
Sinubukan kong lumangoy sa hibla ng berso
At natunton ko ang mundo ng hubad na anino.Minsan na akong nahulog at inalipin ng tao-tao,
Nasubukang sumisid sa hulma ng uniberso,
Makamit ang tala ng tinitingalang sakramento
At matikman ang langit sa limitadong minuto.Minsan, ihip ng tadhana'y may pait— may pakla,
Mayroong antak at lunas ay panibagong pahina;
Ikaw ang pipili ng tanikala sa iyong sariling Adarna,
Ikaw ang magmamaneho ng tugtog sa'yong haraya.Minsan, nakakalangong tunay ang mga libro
Titik sa titik, bawat letra'y may bilanggong gatilyo
Bawat salita'y may mahika ng bugtong sa dulo
Ang 'di makasagot ay itatarak ang ngalan sa diyaryo.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PoetryAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...