Panatang makabayan, ako'y isa sa lipi ni Juan.
Iniibig ko ang Pilipinas, walang kakatigan.
Bansang aking sinilangan, s'yang aking paglilingkuran.
Tahanan ng aking lahi, tatangani'y katarungan.Pinaghilom ang tumagas na dugo mula sa bungo.
Padyak ng rebolusyon ay suportado ng gatilyo.
Lapatan ng lunas, binusabos na Katipunero.
Bendahe ay laan, sa hindi lisensyadong sundalo.Ina ng rebolusyong Pilipinas, sa aki'y bansag.
Kinatuwang ng mga Katipunero sa paglayag.
Bendahe ang natatangi at ginamit kong kalasag,
Upang iukit ang paglingap sa Bayang nililiyag.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PoetryAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...