(T)ISYU

3 1 0
                                    

Bilisan ang kabig
haluan ng kunting himig

sundalo ay labas-pasok
hininga'y habulin hanggang rurok

pawisan na at dugyot
tuloy pa rin sa pagkamot

palandas na ang katas
mula sa sagradong butas

pisilin ang ulo ng turumpo
at lalandas ang mainit na likido

himasin ng daliri
isang bayo ang isukli

at lalabas ang gata—
pinaghirapang dagta.

tisyu ang ipamahid
sa sipong sakit-sintido ang hatid.

Mga Tulang Pinanday ng TalinhagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon