Frontliner

5 1 0
                                    

Epidemyang hatid sa sansinukob ay kilabot
Ilang bansa na ba ang sinakop, nilibot?
Ilang buhay pa ba ang sisilain?
Ilang pamilya pa ba ang wawasakin?

Presidente'y nag-alok ng gintong alay
Sa makakatuklas ng pantapal sa bibig ng banyagang sumalakay,
Gerero'y patuloy sa paghuhukay hanap ay lunas na bukal
Di dahil sa pabuyang naghihintay, kundi ito ang tama't marangal.

Tibay at lakas ng loob ang kanilang baon,
Sila ang bayani sa bagong henerasyon
Ginawang panangga ang sarili sa rumaragasang ambon
Upang maiwasan ang pagkalagas nitong dahon.

Hindi tanaw ang piligrong nakalatag
Liwanag ang sa gubat ng kadiliman ay pilit na inaaninag,
Upang tahiin ang sugat nitong bansa
Buhat nitong mapaminsala: epidemyang kumawala.

Boluntaryong isinugal ang sariling hininga,
Mas piniling itapak sa hukay ang kabila nilang mga paa.
Ang tangi nilang sandata ay ang larawan ng pamilya sa bulsa
Pamilyang umaasa na bukas epidemya'y maglalaho na't muling magsasama-sama ng walang takot at pangamba.

Sila'y may busilak na tabak na kagaya ni Bonifacio,
Sila'y dakilang tagapagligtas na kagaya ni Jesucristo
Walang paghihilakbot tunay na guerrero,
Karapat-dapat bigyang saludo't respeto.

Mga Tulang Pinanday ng TalinhagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon