Mayroong alaala sa bawat larawan,
Kanta sa bawat panahong nagdaan,
Tula sa bawat temang nahagip ng isipan
At luha sa bawat masalimuot na nakaraan.Sa apat na sulok ng makamundong silid
Itikom ng kusa ang nangangatal na bibig
Walang kakanta kahit kapirasong himig
Lunukin ang 'di masikmurang daigdig.Hubad na katawan ng nakakurbata ang gigitgit
Sapilitang ipararanas ang pinapanginoong langit,
Hinihimas ang lupaing hindi pag-aaring paraiso,
Nagpaparaos sa hindi naman diligang entablado.Saksi tayo sa pamamalakad ng nakakurbata
Ginhawa lamang ang hangad sa masa
Gagamit ng mabisang plataporma at maskara
Upang iluklok sa upuan ng kandidatura.Ngayo'y batid niyo na ang sistema ng buwaya
Pinapako ang pangakong dala-dala,
Kinakaligtaan ang nagluklok sa silya—
Diretso sa bulsa ang kaban nitong masa.Kaya't kilatisin ang itatarak sa balotang ngalan
Sa darating na eleksyon ay iyong paghandaan.
Panahon na upang iangat ang bansang sinilangan
Kumalag na tayo sa gapos ng kamangmangan.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PoetryAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...