Medisina: Panahon

1 1 0
                                    

Tunay na sa bawat sugat ay mayroong marka.
Mayroon itong kaniya-kaniyang istorya
Kung ilang baldeng antak ang tiniis— ininda,
Kung ilang daing bago mangaghilom— sumara.

Sa bawat luha na sa mata ay pumalahaw,
Sa bawat sugat na sa dugo nangagtampisaw,
Sa bawat sugat na nabahaw dahil sa ginaw,
Sa bawat pananahimik at paos na hiyaw.

Sa bawat binusalang bibig dahil sa sigaw,
Sa bawat pag-asang nangapako sa pananaw,
Sa bawat pangakong 'di na muli pang natanaw,
Sa bawat emosyon na nangabitay sa saklaw.

Sa bawat sugat na nangaghilom at sumara
Iisa lamang ang pinanglanggas— medisina
Hindi dahon ng bayabas kundi walang iba:
Panahon na susi sa bigat na dala-dala.

Mga Tulang Pinanday ng TalinhagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon