Nasa pahina ako
Ng aking buhay
Kung saan
Ayaw kong
Sa aking bisig
Iakw ay mawalay.Ayaw kitang sanayin
Sa yakap ng ginaw
At ayaw kong mawala ka
Sa iyong paningin
Mula bukang-liwayway
Hanggang takipsilim.Sabihin man ng iba
Na tila kinandado na kita
Ang hangad ko lamang
Ay protektahan ka
Kaya't sa bisig ko ikaw
Mas piniling ilagay.At kung dumating
Iyong panahon na
Sa gapos ay kumawala ka,
Sa bisig ko't lumabas ka
Mahal, palalayain kita—
Dahil doon ako kung saan ka masaya.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pinanday ng Talinhaga
PoetryAng mga tulang tampok ay masusing hinabi ng malikot na pag-iisip na tumatalakay sa iba't-ibang isyu sa lilim ng lipunan. Naisulat ang koleksyong ito sa panahon ng kwarantina. Kung may pagkakatulad man sa totoong pangyayari, pangalan o lugar ay pawan...