Chapter 33

80 2 0
                                    

THEA

"Miss Thea? May bisita ka," Luna informed me. Nasa garden ako dahil kakatapos lang ng therapy ko.

Halos kakaalis lang din ni Deuce. Kapag oras ng therapy ko ay umuuwi siya. Kaya nga nawala na unti-unti ang lungkot na nararamdaman ko. Gusto ko agad na makalakad at makabawi sa kanya. Ako naman ang mag-aalaga sa kanya. Tama na iyong ilang araw na pagmumukmok ko.

Simula ng nakalabas ako ng hospital, masyado akong nagseself pity. Masyado akong nadala sa nangyari sa 'kin. Ginagapo ako ng kalungkutan at masyadong pag-iisip.

Kaya ngayon, gagawin ko ang makakaya ko para mabilis akong makalakad.

Madalas kasi na nahahati na ang oras niya sa 'kin at sa trabaho pero mas pinipili ako sa palagi ni Deuce.

Napakunot ang noo ko kung sino ang bisita ko. Nakauwi na sa Baguio sina Daddy at si Tita Golden.

"Sino?" tanong ko kay Luna. Si Darex ay pumasok sa loob.

"Si Patricia raw Miss Thea."

Kasunod nito ay si Patricia nga. Nakasuot ito ng napaka-ikling palda na hapit na hapit sa katawan at naka- crop top. She look sexy, nagkaroon na kasi siya ng konting laman. Bumagay rin sa kanya ang kulay blonde niyang buhok at pinakulot pa. Pero medyo makapal pa rin talaga itong magmake-up. Akala mo artista kung makapag-ayos.

"Hi Thea," nakangiti nitong bati sa 'kin habang naglalakad.

I smiled back at her. Kahit napipilitan ako, baka kasi isipin ni Luna maldita ako kahit medyo totoo naman.

Umupo ito sa kaharap na upuan ko kahit hindi ko pa siya niyayayang umupo. The last time I checked, may kasalanan pa ito sa 'kin.

"How are you? I heard that you're finally awake that's why I'm here," mas lumawak ang pagkakangiti niya.

Kung hindi ko siya kilala, iisipin kong friendly siya.

Ang arte. Close ba tayo? Tsk . . .tsk

"Oh, ano naman sa 'yo ngayon kung gising na ako?"

"C'mon Thea, hindi ako nagpunta rito para makipag-away sa 'yo. Kinakumusta lang kita."

Napapangiwi ako sa isip ko at nanlalaki ang butas ng ilong ko.

Nilingon ko iyong sinusundan ng tingin ni Patricia. Papalapit sa 'min si Darex. May dala itong merienda. Syempre, nafeflex na naman nito ang muscle niya dahil may bitbit ito.

Kung nakakalaglag ng panga ang pagtitig, siguradong gumulong-gulong na 'yong panga ni Patricia kakatitig kay Darex.

I cleared my throat. Wala yatang balak na alisin ni Patricia ang tingin kay Darex. Parang pantal itong si Patricia, ang kati eh. Hindi naman siya obvious sa ginagawa niya.

Mas lalong napapatitig si Patricia ng nilapag ni Darex ang dalang merienda. Sinusundan niya ng tingin ang galaw nito.

"Thank you Darex," nginitian ko si Darex at hinawakan pa ang braso nito para asarin si Patricia.

Napapangiti lang si Darex at tila nahihiya sa ginawa ko.

"Walang anuman Thea, dito lang ako sa likod mo uupo." Naglakad na ito banda sa likuran ko. Si Luna naman ay tumayo at pumasok sa loob.

"Hindi mo man lang ako pinakilala," she even rolled her eyes. "Anyway, mukhang okay ka naman pala."

May ibang himig ang boses niya, parang hindi naman siya natutuwa na nakikita niyang okay ako

Ang plastic.

"Of course. Bakit naman ako hindi magiging okay, inaalagaan ako ni Deuce."Buong pagmamalaki kong sagot sa kanya.

He's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon